Mga Serbisyo sa ADA
Americans with Disabilities Act (ADA)
Isang batas sa pansibiliyang karapatan ang ADA na siyang nagtatanggol sa mga taong may iba’t ibang uri ng kapansanan mula sa diskriminasyon sa pangkalahatang aspeto ng buhay panlipunan. Mas partikular pa dito, ipinaguutos ng Title II ng ADA na dapat maginhawang napakikinabangan at nagagamit ng mga taong may kapansanan ang lahat ng mga programa na inihahandog ng estado at lokal na gobyerno, katulad ng Lungsod at County ng San Francisco. Nakasaad sa patakaran ng ADA at Lungsod ang utos na magkaroon ng pantay na pag-akses sa lahat ng mga serbisyo, aktibidad, at benepisyo ng Lungsod. Dapat paglaanan ng pantay na oportunidad ang mga taong may kapansanan nang sila ay makasali sa pagtanggap ng mga programa at serbisyo na inihahandog sa loob ng Lungsod at County ng San Francisco. Kung kayo ay naniniwala na linalabag ang inyong karapatan sa ADA, makipag-ugnayan sa ADA Coordinator.
Ipinaguutos sa mga departamento ng Lungsod, ayon sa Ordinansya 90-10 idinagdag sa Section 2A.22.3 ng Administrative Code, na siyang nagpatibay ng Citywide Americans with Disabilities Act Reasonable Modification Policy, na: (1) maglagay ng abiso para sa publiko tungkol sa kanilang karapatan na humiling ng mga makatwirang modipikasyon; (2) pagtugunan kaagad ang mga kahilingang ito; (3) magbigay ng wastong auxiliary aids (karagdagang pantulong) at serbisyo sa mga taong may kapansanan para tiyakin ang epektibong komunikasyon; at (4) ituro sa mga staff kung papaano tugunan ang mga makatwirang modipikasyon na hininihiling ng publiko, at nang mga rekisito sa Mayor’s Office on Disability (Opisina ng Mayor para sa may Kapansanan) na magbigay ng teknikal na pagtulong sa mga departamento ng Lungsod na siyang tumutugon sa mga kahilingan ng publiko hinggil sa makatwirang modipikasyon.
Sinusuportahan ng Board of Supervisors at Office of Clerk of the Board ang Mayor’s Office on Disability na tulungan ang San Francisco na maging isang lungsod kung saan lahat ng tao ay nakikinabang sa pantay na karapatan, pantay na oportunidad, at kalayaan na mabuhay ng walang iligal na diskriminasyon sa loob ng mga batas sa karapatan ng may kapansanan.
Ang mga miting ay real-time captioned (naka-caption ng sabay sa oras na ito ay ginaganap) at naka-cablecast open-captioned sa SFGovTV (ipinapalabas sa cable at naka-open-caption), ang Government Channel 26. Mahahanap ang adyenda at minutes ng mga Board at Committee miting sa website ng Board (www.sfbos.org) at sumusunod ito sa mga patnubay ng web development batay sa Federal Access Board’s Section 508 Guidelines. Para pakiusapan na magkaroon ng sign language interpreter (mga tagapagsalin ng senyas-wika, o sign language para sa mga taong pipi at/o bingi), mga large print agenda (malalaking titik para sa mga taong may kapansanan sa paningin) o iba pang akomodasyon, manyaring tawagan lamang ang (415) 554-5184 o (415) 554-5227 (TTY). Matitiyak namin ang abilidad na pagtugunan ang mga ito kapag hiniling ang serbisyo nang maaga o higit 48 oras bago ng pangyayari. Kung kailangan ng karagdagang tulong, mangyaring padalahan lamang ng mensahe si Wilson Ng, ADA Coordinator, sa Wilson.L.Ng@sfgov.org.
Pagtawag sa Remote Meeting
Dahil sa emerhensya sa kalusugan na COVID-19 – upang maprotektahan ang Board Members, staff ng Clerk, at mga miyembro ng publiko – sarado ang Board’s Legislative Chamber at Committee Room. Hinihikayat ang mga miyembro ng publiko na malayuang makilahok. Para sa mga instruksyon kung papaano makilahok sa remote meeting, pumunta dito.